Nagbitiw na sa kanyang puwesto si White House Staff Secretary Rob Porter.
Kasunod ito ng alegasyon ng pang–aabuso laban sa kanya ng dalawa (2) niyang dating asawa.
Bago pa man ang kanyang pagbaba sa puwesto, sinabi ni Porter na pawang kasinungalingan lamang ang mga ibinibintang sa kanya.
Dagdag pa ni Porter, naging bukas at totoo siya sa anumang isyu ngunit wala siyang panahon upang patulan ito.
Bagamat pinigilan si Porter ng ilang opisyal kagaya ni White House Chief of Staff John Kelly ay itinuloy pa rin nito ang pagbaba sa puwesto.