Bubuksan ngayong araw ang bahagi ng Manila Bay na tinambakan ng mga dinurog na dolomite rocks kasabay ng pagdiriwang ng International Coastal Cleanup Day.
Gayunman, sinabi ni Environment Sec. Roy Cimatu, hindi tulad ng sa nakalipas na mga taon, limitado lamang ang mga volunteer na papayagang lumahok sa isang programa na kanilang ikinasa bilang pag-iingat na rin sa COVID-19.
Hindi na aniya magkakaroon ng malakihang pagtitipon sa mga tradisyonal na lugar sa mga baybayin at mga estero sa buong bansa.
Mahigpit ding pinaalalahanan ang mga volunteer para sa coastal cleanup na sundin ang minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield gayundin ang physical distancing.
Una nang inanunsyo ng denr na suspendido muna ang pagtatambak ng dinurog na dolomite sand sa bahagi ng manila bay para sa nasabing pagdiriwang at ipagpapatuloy na lamang ito sa mga susunod na araw.