Dalawang (2) milyong bata na 5-taong gulang pababa ang namamatay kada taon sa buong mundo dahil sa pneumonia.
Ito ang ibinunyag ng World Health Organization o WHO kasabay ng World Pneumonia Day.
Bilang bahagi ng kampanya ng WHO, nagbabala ito na hindi dapat balewalain ang naturang sakit.
Ayon sa datos, 16% naman ng mga namamatay na paslit sa pilipinas kada taon ay sanhi rin ng pneumonia.
Ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Rey Salinel, ang pneumonia ay isang uri ng sakit na nakakaapekto sa mga bata at mga nasa hustong gulang kung saan nagdudulot ito ng hirap sa paghinga, lagnat, at iba pang sintomas.
Giit ni Salinel, delikado ang pneumonia at nakakahawa dahil ang mga virus, bakterya, at fungi ay nakukuha sa mga pampublikong lugar.
By Jelbert Perdez