Nasa Pilipinas na ang mga eksperto mula sa World Health Organization (WHO) na mag-aaral sa mga naitalang coronavirus disease 2019 (COVID-19) variant sa Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang pagdating ng mga eksperto mula sa WHO sa bansa ay dahil na rin sa hirit ito ng gobyerno.
Sinabi ni Vergeire, hiningi kasi ng Pilipinas ang tulong ng WHO para pag-aralan o suriin ang mga naitatalang COVID-19 variant sa bansa, at kung paano makokontrol ang pagkalat nito.
Inaasahan namang magtagal sa bansa ang WHO group sa loob ng isang buwan.