Tanging ang World Health Organization (WHO) guidelines ang pinagbabasehan ng Pilipinas sa mga isinasagawang pag-aaral kaugnay sa mixing and matching ng mga COVID-19 vaccine.
Ayon kay Health Usec. Leopoldo Vega, na very much dependent at pinagtutuunan nila ng pansin ang resulta ng mga isinasagawang clinical trials ng ibang mga bansa partikular na kung manggagaling ito sa WHO.
Sa ngayon ani Vega, inaantabayanan nila ang malinaw na rekomendasyon na ilalabas ng WHO ukol sa mixing and matching ng magkakaibang vaccine.
Kungsaan, malaki aniya ang posibilidad na ito narin ang istratehiyang gagamitin para sa national vaccination implementation ng pamahalaan