Hinimok ng World Health Organizations (WHO) ang mga bansa na mag-donate sa Covax facility na nagbibigay ng mga bakuna kontra COVID-19 sa mga mahihirap na mga bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na sa ngayon ay nangangailangan sila ng 10 milyong dose ng bakuna para sa buong mundo.
Paliwanag ng opisyal ng WHO, kamakailan ay nagkaroon ng pagkaantala sa pagbibigay nila ng bakuna, dahil nagkaroon umano ng kakulangan sa suplay nito.
Sa huli, iginiit ng WHO na tiyak na makatutulong kung ang mga bansa ay magdo-donate ng bakuna para maibsan ang kakulangan ng COVID-19 vaccines.