Hinimok ng World Health Organizations (WHO) ang iba’t-ibang bansa na unti-untiin ang pagtatanggal sa ipinatutupad na mga international travel restrictions.
Ayon sa WHO, dapat na bigyang prayoridad muna sa ngayon ang mga mahahalagang biyahe patungong ibang bansa tulad ng emergencies, humanitarian actions, essential personnel at repatriation o paglilikas ng mga tao.
Sinabi ng WHO, kinakailangang magsagawa muna ng masinsinang assessment o pagtaya ang bawat bansa sa posibleng banta ng pagkalat ng COVID-19 bago muling maibalik ang mga international travel.
Magugunitang napilitan ang iba’t-ibang mga bansa sa buong mundo na magpatupad ng travel restrictions sa mga dayuhan bilang bahagi ng mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.