Ibinabala ng World Health Organization (WHO) na dapat gradual lang o dahan-dahan ang gagawing pagtanggal sa mga lockdowns sa iba’t ibang panig ng mundo upang maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Takeshi Kasai, WHO Regional Director for the Western Pacific, posibleng kumalat muli ang impeksiyon kapag niluwagan ang mga ipinatutupad na restrictions.
Sinabi ni Kasai na napatunayan na kung gaano ka-epektibo ang lockdown measures kaya dapat nang masanay ang mga tao sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan.
Dagdag pa ng WHO official, dapat manatili ang mga proseso sa pagtugon ng bawat bansa sa epidemya lalo’t wala pa namang natutuklasang bakuna laban sa COVID-19.