Idineklara na ng World Health Organization (WHO) ang ebola outbreak sa Uganda, Africa.
Ayon sa WHO, nakapagtala na sila ng kumpirmadong kaso sa Central Mubende District na isang 24 anyos na lalaki na nagpakita ng sintomas at kalaunan ay nasawi rin.
May kaugnayan ang kaso sa hindi pangkaraniwang sakit na Sudan strain.
Sa ngayon, walong kaso na ang binabantayan ng WHO na may kaugnayan sa unang ebola confirmed case.