Huwag muna kaagad magluwag ng quarantine restrictions sa gitna ng ipatutupad na bagong alert level system sa NCR.
Ito ang ipinayo ni World Health Organization Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe dahil mataas pa rin aniya ang banta ng COVID-19 kaya hindi pa maaaring luwagan ang quarantine restrictions.
Ayon sa Department Of Health, nananatiling nasa high risk classification ang bansa dahil sa dami ng COVID-19 cases.
Gayunman, sinabi ni Health Usec. Ma. Rosario Vergeire na bumaba naman ang bilang ng COVID-19 related deaths ngayong taon, kumpara sa nakalipas na taon.
Nabawasan din aniya ang bilang ng mga health workers na namatay dahil sa COVID-19.
Paliwanag ni Vergeire, ang pagbaba sa bilang ng mga nasawi sa hanay ng healthcare workers ay bunsod ng high vaccination coverage, at proteksyong dulot ng bakuna.—sa panulat ni Hya Ludivico