Itinanggi ng World Health Organization (WHO) na nanggaling sa kanila ang report na nagsasabing Pilipinas ang mayruong pinakamabilis na pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Western Pacific region.
Ayon kay Dr. Abindra Abeyasinghe, kinatawan ng WHO sa Pilipinas, sadyang marami silang inilalabas na impormasyon sa kanilang dashboard hinggil sa ginagawang pag-aaral sa sitwasyon ng COVID-19 sa iba’t- ibang bansa.
Nilinaw ni Dr. Rabi na pawang general information ang mga ito na kinuha ng ilang mamamahayag at ginawan ng sarili nilang interpretasyon.
Binigyang diin ni Dr. Rabi na wala silang ginagawang pagkukumpara sa pagtaya ng COVID-19 mula sa iba’t ibang bansa dahil sadyang magkakaiba talaga ang sitwasyon ng mga bansa.