Kinumpirma ng World Health Organization (WHO) na nakapagtala na ng dalawang bagong kaso ng Marburg virus ang Ghana, West Africa.
Nabatid na ang dalawang pasyente ay nasawi matapos tamaan ng naturang virus pero kailangan pa munang ma-verify ng WHO ang resulta ng isang laboratoryo para sa mga kaso ng dalawang nasawi.
Samantala, tiniyak naman ng Ghana Health Service (GHS) na kanilang gagawin ang lahat ng makakaya para mapigilan ang pagkalat ng nasabing virus kabilang na ang pag-isolate sa mga close contacts ng mga tinamaan.
Ang Marburg virus ay isang uri ng nakakahawang sakit na maihahalintulad sa ebola virus na una nang naitala sa Guinea, West Africa matapos makaranas ang pasyente ng mga sintomas kabilang na ang pagtatae, lagnat, pagduduwal at pagsusuka, bago namatay sa ospital.