May community transmission na ng delta variant ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang kinumpirma ng World Health Organization (WHO).
Ayon kay WHO country representative Dr. Rabindra Abeyasinghe na higit sa 70% ng kasalukuyang transmission ay maiuugnay sa delta variant.
Nangangahulugan ito na ang delta variant na ang dominant strain sa bansa.
Mababatid na sa datos ng Department of Health (DOH), na 516 o 68.98% ng 748 samples na na-sequenced ay kumpirmadong nagdadala ng delta variant.
10.83% naman sa beta variant, habang 9.76 ang alpha variant.