Inihayag ni World Health Organization at WHO Assistant Director-General for access to medicines, vaccines and pharmaceuticals Mariangela Simao, na magsasagawa sila ng data analysis o pag-aaral sa Russian Covid-19 vaccine Sputnik V ng Gamaleya Research Institute matapos ang ilang mga naging problema sa aplikasyon nito.
Ayon kay Simao, ang proseso sa naturang bakuna ay pansamantala munang ipinagpaliban dahil sa kakulangan ng ilang mga ligal na pamamaraan pero ginagawan na umano ito ng solusyon ng Russian government.
Sakaling matapos ang ilang mga procedures o pamamaraan sa naturang bakuna ay agad nilang sisimulan ang pagproseso sa Sputnik V Vaccine. — Sa panulat ni Angelica Doctolero