Magsasagawa ng emergency meeting sa susunod na linggo ang World Health Organization (WHO).
Ayon kay WHO Chief Tedros Adhanom Ghebreyesus, ito ay upang matukoy kung iuuri bilang international health emergency ang monkeypox.
Kaugnay nito ay plano rin ng WHO na baguhin ang tawag sa monkeypox makaraang hilingin ng tatlumpung siyentipiko, para sa isang non-discriminatory at non-stigmatizing nomenclature para sa nasabing sakit.
Samantala, sinabi pa ni Tedros na 1,600 na ang kumpirmadong kaso ng monkeypox ang naiulat sa WHO mula sa 39 na bansa ngayong taon.