Binabantayan ng World Health Organization (WHO) ang bagong COVID-19 Omicron sub-variant na BA.2.75 o tinatawag na Centaurus.
Pinangangambahan kasi ng mga eksperto na mas nakahahawa ito kumpara sa mga naunang Omicron sub-variants.
Kaugnay nito, naitala ang Centaurus sa 10 bansa kabilang na ang Australia, Canada, Japan, New Zealand, Germany, US at UK.
Ayon sa WHO, habang limitado pa rin ang pagsusuri sa nasabing sub-variant, ipinapakita anila sa kanilang pananaliksik na naglalaman ang BA.2.75 ng ilang spike mutations na maaaring mas epektibo sa “immune escape”
Sa kabila nito, sinabi ni WHO chief scientist Dr. Soumya Swaminathan na kailangan pa ng mas malalim na pagsusuri bago malaman ang transmissibility at severity ng naturang virus.