Nagbabala ang World Health Organization (WHO) sa mga bansa na nagiging kampante na sa pagbaba ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa kanilang lugar.
Ayon sa WHO, ang katotohanan ay lumalala ang lagay ng pandemya sa buong mundo kahit pa may ilang bansa na ang unti-unting nagtatagumpay sa kanilang laban sa COVID-19.
Sa ngayon ay mahigit na sa 400,000 katao ang nasawi dahil sa COVID-19 sa iba’t-ibang panig ng mundo.