Muling magpupulong ang World Health Organization (WHO) para magdesisyon kung ituturing na global public health emergency ang monkeypox virus.
Ayon Kay Director-General Tedros Adhanom Gheb-Re-Yesus ng UN Health Agency, magsasagawa sila ng ikalawang pagpupulong kasama ang Emergency Committee ng Monkeypox.
Nabatid na umabot na sa anim na libong kaso ng naturang virus ang nakumpirma sa limamput walong bansa.
Ang pagtaas ng Monkeypox cases ay naitala mula pa noong Mayo sa labas ng West at Central Countries kung saan ang naturang sakit ay endemic.