Nababahala ang World Health Organization (WHO), sa paglagpas ng Global COVID-19 death toll sa 1-M.
Ipinabatid ni WHO Technical Lead for COVID-19 na si Maria Van Kerkhove, na nakakalungkot ang ulat na ito dahil available naman na anya sa buong mundo ang test, treatment, vaccines at public health measures upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.
Sinabi pa ni Kerkhove, karamihan sa publiko ang naging manhid na sa mga numerong naitatala dahil sa COVID-19 ngayong nasa ikatlong taon na tayo ng pandemya.
Dahil dito, dapat magkaroon na ng reality check dahil hindi dapat pinapalagpas sa 14 hanggang 15 katao ang namamatay dahil sa COVID-19 sa buong mundo.