Nagbigay babala ang World Health Organization (WHO) sa naibibigay na maling “sense of security” o pagka-kampante sa mga bakunado kontra COVID-19.
Sinabi ni WHO Director General Tedros Ghebreyesus na marami-raming indibidwal ang nag-iisip na ligtas na sila sa pagkakaroon ng COVID, dahil sila ay mga bakunado na.
Giit ni Tedros kailangan pa ring sumunod sa health protocols gayung mas nakakahawa ang sumulpot na delta COVID variant.
Ayon sa WHO, lumabas sa kanilang pag-aaral na ang COVID-19 vaccines ay nakababawas ng 60% sa tiyansang mahawa ang isang indibidwal sa COVID-19 strains, habang 40% naman ang ibinabawas nito sa delta variant.
Paliwanag ng WHO sa publiko, lubhang nakakatakot ang dalang panganib ng delta variant kaya’t ang pagsunod sa health protocols ay higit na kinakailangan.—sa panulat ni Joana Luna