Inaasahan ng World Health Organization (WHO) na tataas ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo dahil sa malamig na panahon.
Ito ay dahil dadalas ang indoor activities ng publiko.
Ayon kay WHO General Tedros Adhanom Ghebreyesus, ilang bansa sa Europa ang nakapagtala na ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 na nagresulta sa pagdami ng mga na-oospital at namamatay.
Binigyang-diin naman niya na ang OMICRON variant parin ang karamihan sa impeksyon na naiulat rito pero pinag-aaralan na rin aniya ng mga scientist ang mahigit tatlong daan pang subvariant.
Samantala, hinimok ni Ghebreyesus ang lahat ng bansa na paigtingin pa ang surveillance, testing, sequencing outputs laban sa naturang virus.