Nagbabala ang World Health Organization (WHO) sa bagong trend ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) infection.
Ayon kay WHO Country Representative Rabidra Abeyasinghe, kanilang napuna ang pagtaas sa bilang ng mga kabataan na nahahawaan ng COVID-19.
Partikular aniya ng nakitaan ng 6 hanggang 7 beses na pagdami ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa mga sanggol at bata gayundin sa mga teenagers mula 15 hanggang 29 anyos.
Kaugnay nito, pinaalalahanan ni Abeyasinghe ang mga kabataan na ugaliing sundin ang mga pinatutupad na health safety protocols dahil hindi sila immune sa COVID-19 maging sa nakamamatay na epekto nito.
Hindi rin aniya umasa ang publiko sa bakuna lalo’t nasa proseso pa lamang ito.