Nilinaw ni National Task Force against COVID-19 o NTF medical adviser Dr. Ted Herbosa na parehong tama ang inilabas na babala ng World Health Organization (WHO) sa posibleng COVID-19 surge sa bansa at ang napaulat na pagpapalawak ng Alert level 1 sa mga lugar sa Pilipinas.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi Hebosa batay sa pahayag ng WHO na maaaring tumaas ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa loob ng dalawang buwan dahil sa eleksyon, Ramadan at Holy Week.
Ito rin aniya ay base sa obserbasyon at karanasan noong nakalipas na mga buwan.
Dagdag pa ni Herbosa na kaya’t dumami ang mga lugar sa bansa na nasa isailalim ng Alert level 1 ay dahil makikita na patuloy na bumababa ang naitatalang COVID-19 cases dahil sa vaccine coverage.—sa panulat ni Airiam Sancho