Idineklara na ng World Health Organization o WHO bilang “public health emergency of international concern” ang zika virus outbreak.
Ipinaliwanag ni WHO Director General Margaret Chan na ito ay dahil sa mabilis na pagkalat ng zika kung saan ang alert category nito ay kapareho na ng sa ebola.
Dahil sa pagdedeklara ng global emergency, sinabi ni Chan na susubaybayan nang maigi ang mga pag-aaral at pananaliksik patungkol sa zika virus at kung paano ito malulunasan.
Bagaman hindi pa sila ganoong katiyak sa mga detalye ng nasabing sakit, idineklara na ito ng WHO dahil ito na anila ang tamang panahon para kumilos laban dito.
Nakukuha ang zika virus sa kagat ng lamok na ang epekto ay ang pagliit ng ulo ng isang sanggol o ang tinatawag na microcephaly.
By Meann Tanbio