Nagbabala ang World Health Organization (WHO) hinggil sa mutated variant ng polio virus mula sa ibang bansa.
Ayon kay WHO Europe Expert Siddhartha Datta, nagdudulot ng malalang sintomas gaya ng limb paralysis sa mga hindi bakunadong pasyente ang mutated variant.
Sa buong rehiyon ay bumaba ng 1% ang nabigyan ng ikatlong dose ng bakuna sa polio noong 2019 at 2020.
95% naman ang nakakumpleto ng polio vaccine sa 53 bansa noong 2021. —sa panulat ni Jenn Patrolla