Maglalabas ng mga panuntunan ang World Health Organization (WHO) kaugnay sa testing ng African herbal medicines para labanan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ito, ayon sa WHO, ay para masigurong ligtas at epektibo ang tradisyunal na gamot laban sa virus.
Sinabi pa ng WHO na ang bagong panuntunan ay hakbang para matulungan na rin ang mga expert sa Africa na magsagawa ng tamang clinical trials.
Halos 140 potential vaccines para sa COVID-19 sa buong mundo ang sumasailalim na sa clinical trials.
Una nang isinulong ng mga lider sa Madagascar ang isang untested product na ipinagmamalaking nakakagamot umano ng COVID-19.