Nakikipag-ugnayan na ang World Health Organization (WHO) sa UK sa gitna ng Monkeypox outbreak.
Ito’y makaraang ma-detect ng British Health Authorities ang pitong kaso ng Monkeypox ngayong buwan.
Ayon sa WHO, posibleng sanhi ng impeksyon ay sa pamamagitan ng sexual contact, partikular sa mga bisexual men.
Kabilang sa sintomas ng Monkeypox, na endemic sa ilang bahagi ng Central at Western Africa, sugat, lagnat, pananakit ng kalamnan at panlalamig.
Karaniwang nakukuha ang naturang sakit sa mga hayop, gaya ng daga at unggoy.