Nanawagan sa publiko ang World Health Organization o WHO na huwag isisi sa gobyerno ang muling pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Paliwanag ni WHO Philippines Rep. Dr. Rabindra Abeyasinghe, dahil sa mabilis na pagkalat ng mga bagong variant ng COVID-19 ang muling pagtaas ng kaso sa bansa.
Isa rin aniya sa dahila ay pagiging pabaya ng mga tao sa pagsunod sa health protocols at pagiging kampante dahil sa dumarating na ang mga bakuna kontra COVID-19
Giit ni Abeyasinghe, hindi lamang ang Pilipinas ang nakararanas ng muling pagsipa ng kaso kundi maging sa ibang bansa dahilan para sila ay magpatupad din muli ng mahigpit na health protocols at restrictions.