Naniniwala ang World Health Organization (WHO) na posibleng ito pa lamang ang simula ng pagkalat ng monkeypox virus.
Ayon kay WHO Epidemic and Pandemic Preparedness and Prevention Chief Sylvie Briand, ito ay matapos na makapagtala ng mahigit 200 kaso sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Aniya, hindi normal ang nagaganap na pagkalat ng naturang virus na nadetect sa ibang bansa tulad ng US, Australia, United Arab Emirates at ilang bansa sa Europa.
Ginagawan naman ng WHO ang kanilang makakaya para mabantayan ang pagkalat ng monkeypox virus.
Nanawagan din ito na huwag magpanic ang publiko.