Sang-ayon ang World Health Organization o WHO sa muling pagsasagawa ng face-to-face classes sa bansa.
Paliwanag ni WHO Country Representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, kailangan ang face-to-face classes upang matugunan ang pangmatagalang pangangailangan sa edukasyon at kalusugan ng mga bata.
Importante rin aniya ito para sa kanilang mental development at psychosocial health.
Sinabi pa ni Abeyasinghe na may mga hakbang na rin naman upang maprotektahan ang mga bata laban sa COVID-19 gaya na lamang ng pagbabakuna sa mga guro.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico