Wala pang pangangailangan para magdeklara ng global emergency.
Ito ang ipinabatid ng World Health Organization (WHO) sa harap ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Middle East Respiratory Syndrome o MERS sa South Korea.
Sa ngayon hindi pa batid ng WHO kung papaano kumalat ang MERS sa South Korea dahil sa maaari anila itong ikinalat ng mga taong walang sintomas o maaari ring epekto ng kapaligiran.
Nanindigan ang WHO na ang MERS ay ikinalat mga hayop gaya ng camel mula sa Saudi Arabia na pinagmulan ng nakamamatay na MERS.
By Ralph Obina