Patuloy nakumakalap ang World Health Organization (WHO) ng mga pag-aaral kaugnay sa tunay na bilang ng mga taong tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Sinabi ni Dr. Maria Van Kerkhove, technical lead ng who sa coronavirus response ..ilang linggo o buwan na lamang ang hihintayin ng mga bansa para malaman kung anong klaseng gamot ang gagamiting panlaban sa COVID-19.
Batay aniya sa isinagawang pag aaral sa Germany abot ng 2% hanggang 14%ng populasyon sa buong mundo ang nakapag develop ng anti bodies matapos mag positibo sa nasabing sakit.
Sinabi pa ni Kerkhove na kapansin pansin din na mas mababa ang antas ng pathogen kaysa sa mga naunang models kung saan nabaitd na mas mabilis kumalat ang sakit.
Tiniyak ni Kerkhove ang mahigpit na pag monitor sa daan-daang COVID-19 drug trials na ginagawa sa ibat ibang panig ng mundo.