Pinabulaanan ng World Health Organization (WHO) ang paniniwalang mamamatay ang 2019 novel coronavirus (COVID-19) sa mainit na panahon.
Ayon sa WHO Philippines, sa katunayan ay mayroong mga kaso ng COVID-19 sa mga bansang mayroong mainit at humid climate.
Kinontra din ng WHO ang paniniwalang ang pag inom ng mas maraming tubig at alak ay pangontra sa nasabing sakit.
Anila, makabubuti sa kalusugan ang pag-inom ng tubig ngunit hindi ibig sabihin nito ay hindi na magkakasakit ng COVID-19 at lalong hindi rin epektibong pangontra ang pag-inom ng alak.
Binigyang diin pa ng WHO na saan mang bansa at anomang klima mayroon ang mahalaga ay ang sumunod sa mga precautionary measures na ipinatutupad laban sa COVID-19.