Pinag-iingat ng World Health Organization ang bansa matapos i-deklara ng Department of Health na maituturing na low risk area na sa COVID-19 ang Pilipinas.
Sinabi ni Dr. Rabindra Abeyasinghe na hindi dapat maging kampante dahil nariyan pa rin ang banta ng COVID-19.
Aniya, dapat na magpatuloy ang gobyerno sa pagpapaalala sa publiko na maging maingat at sumunod sa health protocols.
Giit ni Abeyasinghe, may mga implikasyon ang pag-klasipika sa alinmang bansa bilang “low-risk” kaya’t dapat aniya itong maipaliwanag ng mabuti. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico