Kailangang maging handa ang mga bansa sa paglaganap pa ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Sinabi ng World Health Organization (WHO) na dapat na maging mindset ng isang bansa ay nakatuon sa posibleng pagkakaroon ng panibagong kaso kada araw.
Ayon kay Dr. Bruce Aylward, pinuno ng joint WHO-Chinese mission, kailangan ding matiyak na nabibigyan ng sapat na impormasyon ang publiko hinggil sa nasabing sakit.
Partikular na pinahahanda ng WHO ang mga bansa ng maraming hospital beds, isolation zones, respirators at oxygen para sa mga grabeng kaso, base na rin anito sa extraordinary mobilization na pagtugon ng china sa COVID-19.
Si Aylward ay dalawang linggong namalagi sa Beijing gayundin sa tatlo pang probinsya sa China kabilang ang sentro ng epidemya sa Hubei Province.
Pinuri ni Aylward ang ginagawang pagtugon ng China sa epidemya ng COVID-19 dahil nakita niyang bawat isa rito ay batid ang kanilang gagawin at kanilang mismong tungkulin.