Suportado ng World Health Organization ang pagluluwag ng quarantine restrictions sa Metro Manila.
Pinapurihan din ni WHO Country Representative Rabindra Abeyasinghe ang mataas na vaccine coverage sa National Capital Region.
Gayunman, hinimok ni Abeyasinghe ang gobyerno na magdoble-ingat at ipagpatuloy ang pandemic containment strategies upang maiwasan ang isa pang COVID-19 surge.
Bagaman nagluwag na ang restrictions upang manumbalik ang ilan pang negosyo, mayroon pa rin anyang mga ospital na nag-o-operate nang halos full capacity.
Simula bukas ay ibababa na sa alert level 3 ang quarantine status sa Metro Manila mula sa kasalukuyang alert level 4 dahil sa pagbaba ng COVID-19 cases.—sa panulat ni Drew Nacino