Tinatayang 85% ng populasyon ang kinakailangan nang mabakunahan kontra COVID-19 kasunod ng pagsulpot ng mga variant ng virus.
Ito na ang itinakdang target ngayon World Health Organization (WHO) dahil sa pagkalat ng Delta at Alpha variants na unang na-detect sa India at UK.
Sinabi ni Dr. Rabdindra Abeyasinghe, WHO representative sa Pilipinas, ngayong may mga bagong variant pa ng COVID-19 na nadidiskubre at sinasabing mas nakakahawa pa ang mga ito, lalong kinakailangan na mabigyang proteksyon laban sa virus ang mas malaking populasyon.
Tiwala naman si Abeyasinghe na kayang abutin ng Pilipinas ang target na porsyento ng populasyon na kailangan mabakaunahan.
Sa ngayon, halos tatlong milyong Pilipino na ang fully vaccinated, habang mahigit 12 milyong doses na ng bakuna ang naituturok sa bansa.