Ipinapayo ng mga eksperto ang pagkonsumo ng whole foods tulad ng mga gulay, at prutas.
Kasama rin dito ang whole grains gaya ng brown rice at oatmeal.
Base sa mga pag-aaral, epektibo ang whole foods sa pagpapabuti ng lagay ng pag-iisip at panlaban sa mga sakit sa utak.
Binigyang diin naman ng mga eksperto na complementary treatment lang ang diyeta o maaaring isabay sa iba pang paraan ng paggamot ng mga sakit sa pag-iisip.
Mainam din umano ang mga pagkaing mayaman sa omega-3 fatty acids gaya ng mga matatabang isda.