Magpapatupad ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng whole-of-government approach upang mapuksa ang illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at ipinagbabawal na droga sa Pampanga.
Sa kanyang talumpati sa distribusyon ng tulong pinansyal para sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng El Niño sa lalawigan, tiniyak ni Pangulong Marcos na tinututukan ng pamahalaan ang problema sa iligal na POGO at droga.
Ibinahagi ng pangulo na lumikha na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng isang task force upang tugunan ang POGO; habang nakikipag-ugnayan naman ang Bureau of Customs (BOC) sa ibang ahensya upang matigil ang pagpupuslit ng ipinagbabawal na droga.
Kaugnay nito, patuloy rin ang pagpapaigting ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang kampanya kontra sa iligal na droga.