Tanging whole sale o pakyawang pamimili na lamang ang papayagan sa Balintawak market sa Quezon City.
Kasunod ito ng pagdagsa ng mga mamimili sa nabanggit na palengke, kahapon, Sabado De Gloria kung saan hindi na nasunod ang physical distancing.
Ito ay ayon kay Task Force COVID Shield Commander at PNP Deputy Chief for Operations Lt. General Guillermo Eleazar, batay na rin sa napag-usapan at napagpasiyahan ng Quezon City LGU.
Sinabi ni Eleazar, hindi na papayagang magbenta sa Balintawak market ang mga malilit na tindero o mga nagre-retail at sa halip ay ihahatid aniya ng QC LGU ang mga ito sa mga barangay para doon magbenta.
Tiniyak naman ni Eleazar na patuloy na babantayan ng pulisya hindi lamang ang Balintawak market kundi maging iba pang malalaking pamilihan sa Metro Manila para matiyak na nasusunod ang physical distancing.
LOOK: Situation in Balintawak market after stakeholders agreed to stop retail selling. pic.twitter.com/QK1KF0n1j2
— Quezon City Government (@QCGov) April 12, 2020