‘Love is truly in the air’ na nga para sa mga kilalang vlogger at model na sina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao.
Ito’y matapos kumpirmahin mismo ni Wil sa kanyang pinakabagong vlog na girlfriend niya na si Alodia.
“She’s my girlfriend. Secrets out,”
Sa kanyang confession video ay inihayag ni Wil kung gaano niya na-eenjoy ang bawat oras at mga simpleng bagay na ginagawa kasama si Alodia lalo na kanilang mga travel together.
“If you can do errands, and find such happiness in something as small as that — that’s when you know you have something special.”
Ayon kay Wil, kailanman ay hindi sila nag-deny sa kung ano ang namamagitan sa kanilang dalawa, aniya ina-assume nila na alam na ng tao ang totoo sa tuwing nakikita silang magkasama ni Alodia dahil obvious naman ang kanilang sweetness.
“We never denied anything. For the most part, we just thought it was obvious,”
Una nang lumabas ang mga ispekulasyon sa relasyon ng dalawa nang lumipad patungong US si Alodia noong Setyembre 2017 para damayan si Wil.
Matatandaang noong nakaraang taon din ay na-diagnosed si Wil ng stage 3 colon cancer ngunit kamakailan lang ay masayang ibinalita nitong cancer free na siya.