Sinimulan nang isailalim sa chemotherapy si ex-PBB housemate Wil Dasovich dahil sa sakit na cancer.
Matapos na ma-diagnosed sa sakit ay patuloy na ibinabahagi ni Wil sa pamamagitan ng kanyang vlogs (video blogs) ang kanyang pakikipaglaban sa sakit.
Sa Youtube video na may titulong ‘My 1st Day of Chemotherapy: A Touching Moment’ ay makikitang sinamahan si Wil sa ospital ng kanyang ama at ng kilala ring vlogger at napapabalitang kasintahan nitong si Alodia Gosiengfiao.
Naging close sina Wil at Alodia dahil sa mga travel vlog nilang magkasama at tinawag pang ‘Wilodia’ ang kanilang tandem ng maraming YouTube fans.
Sa video, pinagkatuwaan ni Will ang kanyang pananatili sa isang hospital room sa buong isang araw para sa cancer treatment at makikitang positibo ito sa kabila ng sakit.
“I did my best to keep things entertaining and just have fun with it.”
Nitong nakaraang buwan lang ay nagulat ang lahat nang sabihin ni Wil na siya’y may cancer, dahilan upang bumuhos ang suporta para sa binata.
Si Will ay kilalang Filipino-American vlogger na sumali sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7″ noong isang taon.
May malakas na online fan base din ang binata at umani na ang kanyang travel vlogs ng milyun-milyong views sa Youtube.
—-
Video Credit: Wil Dasovich / YouTube