Pansamantalang ipinagbawal sa Pilipinas ang pag-aangkat ng mga wild birds at iba pang poultry products tulad ng manok mula Poland.
Kasunod ito ng kumpirmadong kaso ng highly pathogenic avian influenza (H5N8) sa nabanggit na bansa.
Sa ilalim ng memorandum order 05 ni Agriculture Secretary Wiliam Dar, kabilang sa mga ipinagbabawal na makapasok ng Pilipinas ang mga poultry meat o karne ng manok, pato at iba pang klase ng ibon, mga sisiw at itlog mula Poland.
Iginiit ng kalihim, kailangang ipatupad ang ban para maprotektahan ang industriya ng pagmamanukan at iba pang alagang ibon sa bansa mula highly pathogenic avian influenza virus.