Naapula ng ilang araw na matinding pag-ulan ang wildfire na tumupok sa Bolivian Amazon rainforest ayon sa mga otoridad.
Base sa report ng mga opisyal ng Santa Cruz provinces, wala na silang namomonitor na aktibong sunog at usok mula nang umulan nang makalaks sa lugar.
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang pagbabantay ng mga otoridad upang matiyak na hindi na muling magsisimula ang sunog.
Matatandaang nagsimula ang sunog noong nakaraang buwan na sumira sa higit apat na milyong hektarya ng lupain sa Bolivia.