Isa na ang patay habang nasa 2K katao na ang nagsilikas sa gitna ng wildfire sa Andalusia region, sa Spain.
Ayon kay Spanish Prime Minister Pedro Sanchez, kabilang sa mga matinding naapektuhan ang Malaga province partikular ang kilalang tourist destination na Costa Del Sol at Bayan ng Estepona.
Nagpapatuloy ang pag-apula ng mga bumbero sa wildfire habang nag-deploy na rin ng mga sundalo sa mga nabanggit na lugar.
Inaalam na ang sanhi ng pagkalat ng apoy maging ang lawak ng pinsala nito sa kabundukan.—sa panulat ni Drew Nacino