Posible umanong lumaki pa at lumala ang wildfire o sunog sa kagubatan na nagaganap ngayon sa siyudad ng Fort McMurray sa bansang Canada.
Ayon kay Chad Morrison ng Alberta Wildfire, masyadong tuyo ang paligid sa nasabing siyudad at itinutulak pa ng hanging ang sunog pa hilaga kaya hindi malayong lumala pa ang sitwasyon sa Canada.
Kasing laki na ngayon ng Hongkong ang sunog sa Canada, at halos 90, 000 katao na ang inilikas doon.
Nasira na rin nito ang higit 1, 600 na mga istruktura roon.
Ilan sa mga residente na rin ang nagsabing mistulang impyerno na ang buong siyudad ng Fort McMurray dahil napapalibutan na sila ng apoy doon.
Patuloy ang paglikas ng mga residente, habang tumulong na rin sa pag apula ng apoy ang mga helicopters ng militar ng Canada.
By: Jonathan Andal