Apatnaraan (400) katao ang inilikas sa Portugese island ng Madeira dahil sa paglawak ng wildfire doon.
Ayon kay Regional President Alburquerque, isa sa mga residente ang nagtamo ng matinding lapnos sa balat habang marami ang kailangang lunasan dahil sa epekto ng makapal na usok.
Tinatayang nasa 27 bahay naman ang tinupok ng apoy.
Samantala, nakansela rin ang ilang flights sa Portugal dahil sa kapal ng usok na idinulot ng wildfire doon.
By Ralph Obina
Photo Credit: EPA