Napapanahon na upang palakasin ang batas hinggil sa wildlife resources at taasan ang ipinapataw na parusa sa mga lalabag dito.
Ayon iyan kay Senate Committee on Environment and Natural Resources Chair at Sen. Cynthia Villar sa naging pagdinig ng senado ukol sa panukalang amiyendahan ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Nagpapatuloy pa rin ani Villar ang wildlife crimes sa bansa sa kabila ng nararanasan pa ring pandemiya ng COVID-19 kung saan, marami pa ring naaaresto gayundin ang mga nakukumpiskang wildlife species.
Sa ilalim ng nasabing panukala, plano nang ituring bilang krimen ang wildlife trafficking kung saan, papatawan na ito ng hiwalay subalit mas mabigat na parusa.
Magtatag din ng wildlife management authority para kontrolin naman ang mga tinatawag na invasive species na nakapipinsala sa mga lokal na halaman at hayop.
Subalit binigyang diin ni Villar na pangangasiwaan naman ng Bangsamoro Autonomous Region In Muslim Mindanao(BARMM) ang lahat ng wildlife resorces na matatagpuan sa kanilang nasasakupan.