Nagpatupad ng window hour ang bayan ng Tanauan Batangas na isa sa mga kabilang sa mga isinailalim sa lockdown kasunod ng pagputok ng bulkang Taal.
Layunin nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga residente sa mga apektadong barangay sa Tanauan na makakuha ng gamit at mapakain o masilip ang kanilang mga alagang hayop.
Isinagawa ang window hours kaninang 5:00 hanggang 8:00 ng umaga at muling ipinatupad kaninang 3:00 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi.
Una rito, sinabi ng Phivolcs na bagama’t tila nanahimik ang bulkang Taal, nagpapatuloy pa rin ang paglalabas nito ng mainit na singaw at pagkakaroon ng mahihinang pagsabog kung saan umaabot sa 500 hanggang 1,000 metro ang taas ng nabubuo nitong ash plumes.