Iniklian ng pamahalaang lokal ng Tanauan Batangas ang window hour na ibinibigay sa mga residente para makabalik sa kanilang mga bahay.
Ang dating 5:00 ng umaga hanggang 8:00 ng umaga ay ginawang hanggang 7:00 na lamang samantalang 3:00 na lamang hanggang 5:00 ang window hour sa hapon.
Ayon kay Mayor Sweet Halili, paghahanda lamang ito para sa total lockdown ng kanilang bahay.
Sa ngayon anya ay ina-antay na lamang nya ang pormal na direktiba mula sa DILG para sa total lockdown para mai-paskel sa mga checkpoints.